Loading...

Friday, September 17, 2010

Ano ba ang Global Warming?





Ano ba ang Global Warming? Sa mga hindi nakakaalam, ang global warming o pag-init ng panahon sa mundo ang siyang sanhi ng pagbabago ng klima o climate change! Kaya pareho lang ang ibig sabihin niyan.....

Maraming tao sa buong mundo ang nagsasabi ng "Global warming is a hoax", "Global Warming is a fake", "Global warming is created by fake environmentalist", ito siguro yung mga taong hindi nakararanas ng pagbabago ng klima sa kanilang lugar o mga taong may sariling interes para ang mga tao ay huwag kumilos para masugpo ang mga naninira ng ating kalikasan....

Tayong mga Pilipino, dapat ba tayong makinig sa mga taong ito na nagsasabi na ang "Global Warming" ay walang katotohanan.....

Sa litrato sa itaas, may nakikita kayong Polar Bear na naglalakad sa lugar na walang yelo.....kung babalikan ninyo ang inyong pag-aaral, sinasabi na ang "Polar Bear" ay nakatira sa mga lugar na mayelo, ang kuhang larawan ay noong taong 2002 pa, kaya siguro sa ngayon ay halos ubos na ang kanilang lahi, sa kadahilanang nauubos na ang mga yelo sa Artantika gawa ng pag-init ng panahon o "Global Warming" na nagiging sanhi naman ng pagpapalit ng klima o "Climate Change"!

Sa Amerika, kahit na napagkayarian na ang 2% deduction na lang sa kanilang mga gas emission ang mga bansa sa kanilang pulong sa Copenhagen noong nakaraang taon ay hindi pa din nagbabawas dahil ang paniwala nila ay hindi totoo ang "Global Warming" at ito ay gawa-gawa lamang ng mga sira-ulo kahit na ang mga sayantista nila ay nagbababala ng pagiging totoo nito....

Ano ang nangyari, isang bayan sa California, sa San Bruno ay nagkaroon ng gas leak na pinagmulan ng sunog at ikinasawi ng apat katao at pagkasunog ng mahigit limanpong bahay....sino ang gumanti...at sino ang nagpapaalala, ang kalikasan ba o ang "DIYOS" natin?

Sa California na siyang tinatahanan ni Ms. Laurie David na siyang nagumpisa ng Stop Global Warming.Org. ay lubos ang paniniwala nila sa Global Warming, bakit ho ba sila naniniwala, ganito po iyon.....sa panahon ng tag-init sa kanilang bansa ay maraming nakakaranas ng heat stroke ang namamatay, kulang-kulang sa dalawang daang katao ang sina-sawing palad tuwing tag-init na hindi naman nangyayari noong mga panahon ng 1990's.

Baka sabihin ninyo istorya ko lang ito at wala akong batayan, mayroon po dahil tatlong taon akong namalagi sa California at isa ako sa miyembro ng Stop Global Warming.Org, sayang nga lang at ang mga diyaryo kong mga dala noong umuwi ako ay nilusaw ni Ondoy.....

Ngayon ho, ay muli kong ipo-poste ang ginawa kong artikulo noong hindi pa man lang natin naiisip na magkakaroon tayo ng malalaking trahedya (Ondoy at Pepeng)dulot ng "Pag-init ng panahon o Global Warming" na nagiging sanhi ng "Pagbabago ng klima o Climate Change", nandirito din po kung paano ba magkakatulong-tulong ang lahat ng Pilipino na naniniwalang mayroong "Global Warming" na nagiging sanhi ng "Climate Change"!

Ito po ang blog na nilikha ko sa ating website:

How to "Stop Global Warming"!
April 10, 2009

As written in tagalog by; Jaime Leandro F. Reyes

Paano pipigilan ang ang pag-init ng panahon sa mundo!

Kahapon ako ay nakatangap ng email mula kay Ms. Laurie David, ang founder o nagtayo ng Stop Global Warming Organization sa Amerika, at doo'y nakalathala kung gaano na kalaki ang nagawang pinsala sa Antartica (pagkatunaw ng yelo) at ang posible pang pinsala sa mga darating na araw gawa ng pag-init ng panahon sa mundo!

Ang global warming o pag-init ng panahon sa mundo ay lagi ng pinagtatalunan ng mga marunong magmahal sa kapwa at kalikasan, at ang mga katalunan ay ang mga negosyante, pulitiko, at mga taong hindi marunong magmahal sa kapwa at kalikasan at tanging pera lang ang dapat mangibabaw sa kanilang pananaw ang dapat sa panahong ito!

Sa aking palagay, walang magagawa ang pera o katalinuhan kung hindi tayo magkakaisa, tayong mga nilalang ng Diyos para masawata ang napipintong global warming o pag-init ng mundo!

At para matapos na ang lahat ng pagdedebate tungkol dito sa ating bansa, hayaan nyo pong ilahad ko sa ating mga kababayan kung ano ba talaga ang global warming at kung anong pinsala ang gagawin nito kung hindi tayo magkakaisa!

Pumunta po tayo sa umpisa, ayon sa mga taong galit sa pulitiko dahil pinag-kakaperahan lang daw ang isyung ito ay ganito ang kanilang paliwanag:

Noong taong 18,000 B.C. hangang 3,000, ang dagat ay tumaas ng mga 325 hangang 350 piye, ang katapusan ng ice age, sabi wala pa daw SUV at eroplano noong panahong iyon, ang mga lupang tulay o ang mga nagdudugtong ng mga bansa ay mga natangal o nawala, sabi ng siyensya dahil daw yun sa mga pagputok ng bulkan, yun tubig na dumami ay galing sa lava ng mga bulkan.

Noong 10,500 B.C. ang temperatura ay tumaas ng mga 20 degress sa loob ng limanpung taon, wala pa din daw SUV noon o mga eroplano na pwedeng pang-galingan ng pag-init ng panahon.

At noong 8,000 B.C. ang mga yelo sa Antarctica ay nagkaroon ng matagalang pagkatunaw, at noong 4,000 B.C. ang dagat ay tumaas ng 30 piye sa loob ng 250 taon!

Noong 1996, ang mga sayantista sa New York ay kumuha ng mga bato sa dagat ng Atlantiko at napatunayan sa pamamagitan nitong mga bato na ang klima ng mundo ay nagkakaroon talaga ng pagbabago sa bawat isang libong taon hangang tatlong libong taon at ito ay napatunayan sa mga pag-aaral sa mga nakalipas na taon!

At ito pa ang mga sinasabi, kung babalik daw tayo sa malayong panahon, sa taong 400,000 B.C., ang pag-init ng panahon ay nagtaas ng 20 metro ng tubig sa dagat na mas mataas pa daw sa libel ng taong 1999!

Ang klima daw ng mundo ay palagi daw nagbabago, ang mga bagay ay nababago, may mga pagkakataon daw na ang mundo ay sobrang init at minsan daw ay saksakan ng lamig na parang bolang yelo, bakit daw ngayong panahon ay iba pakahulugan, dahil ba daw sabi ng mga pulitiko?

Ang mga salitang nabasa nyo sa itaas ay ipinoste ni William Teach sa internet, isang researcher sa Amerika, na siguro ay isang aktibista at kasapi ng mga grupong galit sa mga pulitiko, dahil nagkakapera daw ang mga pulitiko dahil sa pagkakalat ng global warming na malapit na, at ito po ay nangyayari sa Amerika!

Dito na po tayo sa atin, ang pananaw naman ng GSGWFI ang inyong bigyang pansin, ang mga sinulat ni William teach ay kahit na sa panaginip nya ay imposibling mangyari, bakit po kanyo?

Ano ang batayan, ang lahat ay teorya lamang, ni hindi pa nga alam ng mga sayantista sa ngayon kung saan ba talaga galing ang tao, ang naging takbo pa kaya ng panahon noon?

At ang binabanggit nya na ang pagbabago ng panahon ay isang libo hangang tatlong libong taon, di nya siguro nararamdaman na sa ngayon ay buwan lamang at minsan pa nga ay araw lamang ang nagiging pagbabago ng panahon!

At ang pinakatama na hindi niya siguro alam dahil nananaginip siya noong sinusulat niya iyon, ay wala pa halos nilalang noong mga panahong iyon na mapipinsala, di katulad ngayong panahong ito na halos pitong bilyon na ang mga nilalang na tao ang maapektuhun pag nagtuloy-tuloy ang pag-init ng panahon sa mundong ito, yun ang pagka-kaiba!

Ang global warming o pag-init ng panahon sa mundo sa panahong kasalukuyan ay hindi natin dapat ikumpara sa mga nakalipas na panahon, dahil kung sakali man na tunay na hindi matutunaw ang mga yelo sa Antarctica ay mapipinsala din ang mga buhay ng tao, hindi man sa maagang kamatayan ay magdarananas naman ng mga pagkakasakit dahil sa ating mga pinag-gagagawa na sumisira ng ating kalikasan!

At ang pangyayaring pagbitak ng mga yelo sa Antarctica ay hindi teorya na katulad ng mga sinulat nya, ito ay nababalita dahil may mga nag-eexpidition tayong mga taong nagbabantay na siyang laging magpapaabot ng mga balita sa kasalukuyang kalagayan ng ating mga yelo doon, kanilang tinitignan at pinagaaralan ang mga nabibitak na yelo, at kahit na buhay nila ang maging kapalit mapaabot lang ang mga balita sa atin, sila ang mga tunay na bayani ng kasalukuyang panahon!

Dito pa din tayo sa Pilipinas, sabi sa Amerika ginagamit ang global warming ng mga pulitiko magkapera lang, dito iba, ayaw nilang pag-usapan ang global warming dahil di sila magkakapera, kailangan lahat ng makakasisira ng kalikasan gagawin nila para sila magkapera, di ho ba?

Sino ho ba ang mga protektor ng pag-putol ng mga puno sa kagubatan, sino ho ba ang nagpapabigay ng mga permit sa DENR para magbigay ng ECC sa mga naninira ng kalikasan, sino ho ba ang nagpapabigay ng permit para makapag-patayo ng landfill, sino ho ba ang nagkukunwaring makalikasan pero siyang numero unang sumisira nito, ibang-iba ang mga pulitiko dito sa atin, at ito ang karamihang motto nila, "mamamatay naman tayong lahat ang importante may pera ako", kaso may minamalas na nauuna pa sila dahil sa kanilang mga pinag-gagawa!

Iba ho humatol ang "DIYOS" natin, ayaw nya ng mga taong nagpapangap na protektor ng kalikasan, pero siyang unang sumisira, alalahanin natin na ito ay bigay nya kaya di natin ito dapat lapastanganin, mahal ng ating "DIYOS" ang lahat ng bagay na ginawa nya kabilang ang ating kalikasan na tumutulong din sa atin, kaya dapat din natin itong mahalin!

Ano-ano pa ho ba ang magagawa natin habang may panahon pa, intayin na lang ba natin ang pagragasa ng mga yelo papunta dito sa bansa natin, ang mga pag-baha sa mga lugar na di naman dating binabaha, ang sagad sa init na panahon, at ang mga nabubuhay ngayong panahon ay magkakasakit ng mga bagong sakit, ang pagkalipol ng mga lahi ng ating mga ibon at ng mga nilalalang na bagamat walang kaisipan na katulad natin ay kinakailangan din ng ating kalikasan, may konti pa tayong natitirang oras, puwede ho bang magtulong-tulong tayo, ano po?

Ganito po ang mga dapat nating gawin:

1. Para sa mga bata muna na pumapasok sa eskuwela, pano ba tayo makakatulong?

Sabihin sa inyong mga guro na huwag gumamit ng pesticides o pampatay ng mga insekto na may kemikal, ugaliin nating laging malinis ang ating silid-aralan ng sa gayun ay hindi pamugaran ng mga insekto!

Makitulong sa pagliligpit ng mga kemikal sa mga bodega, gaya ng mga pintura, solvent, tinner, at marami pa, kailangan hindi sumisingaw kung hindi ginagamit!

Isulong ang mga batas eskwelahan na naglalayong tumulong sa kalikasan, gaya ng hindi pagputol ng mga punong-kahoy kahit na sabihing kailangan ang lugar na yon dahil pag-tatayuan ng gusali!

Kung kayo ay may klinika sa eskwelahan, paiwasan ang pag-gamit ng mga bagay na may mercury lalo na ang termometer, may mga posibilidad na ang lason nito ay kumalat, ito ay lubos na nakapipinsa hindi lang sa kalusugan maging sa kalikasan!

Tumulong sa pag-sasaayos ng mga basura sa inyong mga iskwelahan, at pamalagiing malinis ang kapaligiran!

Magtanim ng mga organikong pananim sa mga bakanteng lugar sa inyong eskwelahan, makakat6ulong din ito sa inyong kalusugan!

Ipanukala sa pamunuan ng eskwelahan na magkaroon ng pagtuturo kung paano mapangalagaan ang ating kalikasan, kasama na ang pagsasaayos (segregation) ng mga basura!

Ilan lamang iyan sa inaakala naming makatutulong sa ating kalikasan, inyong ipanukala sa inyong mga guro kung may alam pa kayong higit na makakatulong!

2. Para sa mga trabahador sa mga pabrika, paano ba tayo makatutulong?

Mayron ho tayong kulang-kulang sa 650 kemikal na nakasisira ng ating kalusugan, maging ng ating kalikasan, sa ating mga pinapasukan katulad ng manufacturing (gumagawa), metal and coal mining (minahan) electric utilities (gaya ng Meralco) at negosyo tungkol sa mapanganib na hazardous waste treatment (basura at tubig na ginagamot), tumulong tayo sa pag-rereport nito dahil inyong kalusugan din ang nakasalalay maging ang inyong kalikasan!

Nabalitaan nyo ba ang pagsabog ng isang gawaan sa Sta. Maria, Bulacan, kung naging maingat lang tayo sa ating mga naamoy na kemikal at ipina-intindi nyo sa mga may-ari na hindi kayo magtratrabaho hangang may naamoy pa kayo, ay hindi siguro mangyayari ang trahedyang ito, dalawang araw na pala nilang naamoy yun, di nila naisip na kahit di yun sumabog, magka-kasakit naman sila!

Gaano kaya kadami ang carbon dioxide na naging greenhouse effect na sumama sa hangin dahil sa pag-sabog na iyon, ilan pa kayang buhay ang posibling mapinsala?

3. Para sa mga naninirahan sa tabi ng ilog, pano ba tayo makakatulong?

Sa Metro manila, maging sa mga Munisipalidad at lungsod sa kapaligiran nito ay talagang napakalaking problema sa ating kalikasan ang ibinibigay ng mga taong nasa tabi ng mga ilog na ito, wala ng ipinag-kaiba ang dumpsite at landfill sa dami ng basurang nandirito!

Simple lang naman ang mga paraan tungkol dito, huwag na ho natin tapunan ng mga basura na alam nating makasisira ng ilog, maging ang mga waste materials ng mga pabrika natin, marami hong paraan para ito ay mapanga-lagaan, kung hindi nyo alam pwede kayong magtanong sa amin, o kaya pagawa sa amin, laan ho kaming tumulong!

4. Sa mga hospital at punerarya, paano ho ba tayo makakatulong?

May mga nakararating sa aming mga balita na dito na din sa ating mga ilog itinatapon ang mga hospital waste at Funeral waste, huwag naman po sana, tawagan nyo po sana kami kung hindi nyo alam ang gagawin sa mga bagay na iyan, at matakot din kayo sa namatay kung dito nyo lang sa mga ilog itatapon ang kanilang mga natuyong dugo at pagkaminsan pa daw ay bituka, multuhin sana kayo!

Lahat ho ng bagay na makasisira ng ating kalikasan ay bini-bigyan namin ng solusyon, magtulong-tulong po sana tayo!

5. Sa ating mga magsasaka, paano ho ba tayo makatutulong?

Sa pag-gamit ng "Chemical Fertilizer" at "Pesticides" ay marami tayong napipinsala, ang ating lupain ay nangangamatay, ang ating kalikasan maging ang kalusugan ng ating mga kababayan ay ating pinipinsala, marami nga tayong ani pero alam ho ba natin na baka isang araw ay patigilin na tayo sa pagtatanim dahil sa dami ng ating ng napatay, saan ho ba nangagaling ang kanser, diabetes, ebola virus, at salmonella, ang mga dalubhasa o mga doktor ay hindi inaalam kung saan nakukuha ang mga sakit o virus na ito, pero sa aming mga mananaliksik ay isa ito sa aming pinag-aaralan, pano kung mapatunayan namin na sa mga kemikong abono ito galing?

Madali naman hong gumawa ng organikong abono, alam namin na alam nyo yan, ang problema ayaw nyong gawin dahil bukod sa matagal gumawa ng organikong pataba o abono ay kokonti ang ani at maliliit pa ito, pero mas mahal naman ang organic fruits and vegetables di ho ba? At bukod sa ito'y masu-sustansya ay masarap pa, lalo na kung bagong ani, di ho ba?

Ang GSGWFI ay nagsusulong ng mga organikong pataba galing sa mga nabubulok nating pagkain, mag-aral po na gumamit nito upang makatulong tayong matangal na ang pag-gamit ng "Chemical Fertilizers" at "Pesticides" na siyang numero unong kalaban ng ating kalikasan maging ng ating kalusugan!

May tanong ho pala ang GSGWFI sa ating mga magsasakang gumagamit ng "Chemical Fertilizers" at "Pesticides", bakit di nyo kinakain ang mga tanim ninyong ginamitan ng kemikong abono, bagkus ang kinakain nyo lang ay ang mga organiko ninyong pananim, bakit nga ho ba?

6. Sa mga nakatira sa malapit sa dalampasigan at watershed (Natural na imbakan ng inuming tubig), paano ho ba tayo makakatulong?

Ito ho ang pinaka-simpling paraan, huwag tayong magtapon ng ating mga basura sa dagat, ireport at ipahuli ang gumagamit ng dinamita, ireport o hulihin (may karapatan kayo dahil kayo ang unang mapeperwisyo) ang sumisira at nagdudumi sa ating mga watershed, napakarami na hong sakit ang naimbento ng mga doktor, ayaw lang nilang sabihin na dito galing, dahil baka wala ng magkasakit, paano naman sila?

7. Sa mga Organisasyong makabayan, at makalikasan? Paano ho ba tayo makakatulong sa ating kalikasan?

Sapat na ho ba ang pag-aralan natin ang mga perwishong ginagawa ng ating mga kababayang sumisira ng ating kalikasan, pagkatapos nating pag-aralan, katulad ng ginagawa ng Blacksmith, Greenpeace, at iba pa, ano ang gagawin natin pagkatapos?

Magsulat at ibalita sa buong Mundo, na dito sa Pilipinas, nandito ang lahat ng kemikal na pumapatay ng kalikasan at maging sa tao, nandito ang pinaka-maruming mga ilog, tapos ano pa, hihingi ulit tayo ng pondo para patuloy nating pag-aralan, hangang napakadami na ang nangamatay at nagkasakit dahil patuloy pa din kayong nag-aaral at di nyo pa magawang bigyan ng solusyon dahil baka maputol pondo, para kayong mga doktor at abugado na pinatatagal ang gamutan at sesyon para laging may pera, maawa naman kayo sa ating kalikasan at kababayan (Pilipino kasi ang mga iyan), pera na lang ba talaga ang mahalaga?

Ngayon ho, kung hindi nyo alam ang wastong paraan o sistema, bahagian nyo kami ng inyong pondo (kami ho ay legal na manghingi kung kapakanan ng mamamayan at kalikasan ang aming ipanghihingi, bibigyan pa namin kayo ng resibo, kayo ho ba nagbibigay ng resibo sa mga pondong ipinanghihingi nyo?) at gagawin namin sa tulong nyo ang sistema ng paglilinis ng tama at sa mabilisan paraan!

8. Sa mga Factory, at mga kumpanya, paano ho ba tayo makakatulong sa ating kalikasan, maging sa ating mga kababayan?

Masyadong masalimout ang tanong na ito, alam naman na natin na ang mga pabrika ang mga numero unong sumisira ng ating kalikasan, siyempre madali humingi ng ECC basta may pera di ho ba? At siyempre kung tutulong tayo sa kalikasan, di na tayo magpuputol ng mga punong kahoy, di na tayo gagamit ng mga chemical preservative, di na tayo gagawa ng mga bagay na sisira ng kalikasan, paano naman ang hanap-buhay namin, paano naman ang modernong pamumuhay, napakarami hong tanong ano po?

Ganito na lang po, ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay nagsusulong ng "Back to Basics" o pagbabalik sa mga sinauang bagay o gawain, kami po sana ay tawagan, lagi ho kaming may pamalit sa mga bagay na sumisira ng ating kalikasan maging ng kalusugan, pagtulungan po nating resolbahin ang mga problema nyo, makakatulong na tayo sa kalikasan, maging sa ating bayan, at ang importante, gagaan ang mga dalahin ng inyong kunsensya!

At para lubos kayong makatulong sa mahihirap natin kababayan, i-donate nyo na lang ang mga luma nyong gamit sa inyong mga bodega na alam nyong di nyo na ginagamit at nakasisikip lang sa inyong establisyemento dito po sa ating foundation, tatapatan din namin ito ng halaga para makabawas sa inyong mga buwis, ito po ay legal, nakatulong na kayo, nabawasan pa ang busura nyo!

Ano naman ho ang gagawin namin diyan sa mga ibibigay ninyong mga lumang gamit? Amin ho itong aayusin kung sira na, at pag ito ay ayos na ay aming isasama sa mga hindi pa sira at aming ibebenta ng mura sa mga miyembro ng ating Foundation!

Ano naman ang aming gagawin sa mga perang nakulekta sa pagbebenta ng mga lumang gamit? Ito ay isasama namin sa aming pondo para sa aming mga humanitarian activities tulad ng "Feeding Program", "Medical Missions", "Re-setlement of neglected people", at marami pang bagay na makakatulong sa ating mga mamamayan, gayundin sa ating kalikasan!

9. Sa mga bahay-bahay naman, sa ating mga magulang, paano ho ba tayo makakatulong sa ating kalikasan?

Alam nyo po, napakarami na nating kasalanan sa ating kalikasan, bakit ba ho natin ito sinasalaula, napakalaki ng naitutulong nito para tayo mabuhay, pero ano ang ginaganti natin, alam ho ba natin na kapag nagputol tayo ng punong kahoy ay para ding nagputol tayo o pumatay ng buhay ng tao, bakit ho kanyo?

Nabawasan ng isang bagay na sumasala sa maduming hangin, at pag natiyempo o napunta ka sa lugar na may masamang hangin, saan pa ho punta natin, sakit sa baga, kanser, at kung anu-ano pa na lalabas sa katawan natin!

Bigyan ko ho kayo ng sample o halimbawa (Dito ho ito sa lugar namin, Bancal, Meycauayan, Bulacan), nang ako ay mapatira dito taong 1969, napakarami pa hong punong kahoy ang nandirito at labis na nakatutuwa, gusto mo ng sinegwelas, punta ka sa kabilang bakod, makakakuha ka, gusto mo ng mangga, akyat ka lang dahil may puno kami noon, gusto mo ng buko, akyat ka lang dahil mayron din kami non, gusto mo kumain sariwang isda, punta ka sa paso, tawag namin sa maliit na ilog sa may Valenzuela, di ka manghuhuli, mag-aabang ka lang dahil sa bilis ng agos at may buslo doon, napapasok ang isda at dadamputin mo na lang, kung masipag kang magbantay kahit dalawang balde maiuuwi mo sa maghapong pagbabantay, kung gusto ko ng pulutang ibon, tawagin ko lang kumpare ko dahil may lambat siya, at isa o dalawang oras lang, daang-daang ibon na ang aming iniluluto para sa maghapong inuman, ganyan ho dati dito, para kang nakatira sa paraiso, sabi ko sa sarili ko, dito tatagal ang buhay ko at dito na din ako mamamatay!

Pero iba na ngayon, ayoko na dito, iba na ngayon, putol na ang mga punong-kahoy, ang dudumi na ng mga ilog, at wala ka ng makitang ibon, at ilan na ang mga nangamatay, bakit ho kanyo?

Simula ng magtayo dito sa tabi namin ang gawaan ng baterya at nataon pang wala na halos punong kahoy ang nakatanim, ang masamang hangin na pinakakawalan ng gawaan ng baterya ay nagdulot ng pagkakasakit sa kanser at leukemia sa mga taga-rito, kasama na ang hipag at bayaw ko sa mga namatay, kumpare, at ilang kaibigan!

Wala na dito ngayon ang gawaan ng baterya, pinitesyon sila ng mga taga-rito (kami yun) lumipat na sa lugar na bago nilang pipinsalain, pero may ECC po ang pabrikang iyan, ilan na kaya ang namatay sa nilipatan nila?

Ngayon ho, kung paano tayo makakatulong ay dapat magtanim ulit tayo ng mga puno ng mangga sa mga bakante nating lote, malaki kasi ang mangga kaya malaki din ang maitutulong nito sa ating kalikasan, balita ho namin sa DRT ay mangga na ang pinuputol para gawing uling, dahil wala ng punong kahoy sa kagubatan, huwag naman po sana, marami pa ho tayong ibang pagkakakitaan, dati naman kayong nagsasaka di ho ba? Ibalik o ibaling nyo na sa ibang paraan ang inyong mga hanapbuhay, kayo din at ang mga mahal nyo sa buhay ang magkakaproblema pag-ganti ng ating kalikasan!

At isa pang bagay ay ang pagsasa-ayos ng inyong mga basura, huwag nyo hong isasama sa mga basura nyo ang mga pampers ng bata at sanitary napkin, pakikinabangan pa ho ang mga basurang iyon, kung isasama nyo ang dalawang iyan ay di na maire-recycle ang ibang basura katulad ng mga lumang pagkain o kaning baboy, ipunin nyo na lang at ibaon sa lupa pansamantala, tandaan lang kung saan lugar at mayron na din naiisip ang GSGWFI kung ano ang gagawin natin diyan, kukunin ho namin iyon sa inyo!

10. Ngayon naman ay ang mga pulitiko, paano ho ba tayo makakatulong?

Huwag nyo hong sabihin na tama ang aming mga sinasabi, mali ho lahat iyon, alam namin na ang mga pulitiko ay tao din na marunong magmahal sa kanilang kapwa at kalikasan, hindi lang nila alam kung anong grupo ang tunay na bibigyan ng kanilang mga tulong, napakadami kasi ang nanghihingi ngayon na di naman mga tunay na nagtratrabaho para sa mahihirap nating kababayan, at maging sa ating kalikasan, totoo ho ba ito o hindi?

Totoo ho ito, napakarami hong talaga, kaya nga gumawa ng isang executive order ang ating "Pangulong Gloria Macapagal Arroyo", at ito po yung EXECUTIVE ORDER NO. 720, signed April 11, 2008, na naglalayong ipasakop sa "Department of Social Welfare and Development" ang mga Organisasyon at Foundation na nanghihingi ng mga donasyon at pondo para sa kanilang mga proyekto at ito ay babantayan din ng DSWD para maging transparent o malinaw kung saan talaga ginagamit ang mga nahinging pondo!

Ngayon po para kayo lubos na makatulong sa ating kalikasan, sundin na po natin ang batas tungkol sa "Waste Segregation" o "Republic Act 9003" o "Ecological Solid Waste Management Act of 2000", taong 2003 pa ho ito ginawa ng ating mga "Congressman", pinag-aksayahan na po natin ito ng pera at panahon, tawagan nyo po kami at ating planuhin kung paano ito gagawin, kung mayroon naman na po ang lugar na inyong nasasakupan ng MRF o "Materials Recovery Facilities", i-upgrade na lang po natin, base kasi sa mga nakakausap naming malalaking bangko na nagpautang para gawin ito, ay naging failure o nawalan ng silbi lang kasi walang kumuha ng output o nagawang produkto!

Ang lahat po ng ating gagawin produkto galing sa mga nabubulok na basura ay "High Grade Organic Ferlilizer" o "Soil Conditioner", gayundin po ang "High Grade Organic Feeds" para sa ating mga baboy, manok, at mga ibon, para maiwasan na po natin ang mga kumakalat na sakit katulad ng "Ebola Virus", Food and Mouth Disease", "Bird Flu" at marami pang iba!

At kung mayroon naman na kayong landfill, kasi di ito bawal sa batas, hindi tulad ng dumpsite bawal na, ano ba pag-kakaiba ng landfill sa dumpsite, parang pareho lang naman ano po, pero may pagkakaiba, ganito po:

Ang dumpsite sa tagalog "Bundok ng Basura", ang landfill sa tagalog pag-nagtagal na at marami ng basura at tubig ay "Dagat ng Basura", wala ho kasing daluyan ng tubig ang landfill, yun ho ang pag-kakaiba.

Kung mayroon na nga at nagastusan na, isulong pa din natin ang MRF sa tabi ng landfill at ang output o ang mga nagawa ng MRF ang siya nating ipakain sa isda na atin namang bubuhayin sa nagawang landfill, kasi maiipon tiyak ang tubig diyan pag-umulan, kaya gawin na lang nating alagaan ng tilapya, dalag, at hito, at pag-nagawa natin ito ay mamahalin pa kayo ng inyong mga nasasakupan dahil tiyak sila ang makikinabang!

Marami ng mamamayan natin ang nagagalit sa pagtatayo ng landfill, gusto nyo ho ba na mademanda o magkagulo lang sa mga lugar na nasasakupan nyo, siguro naman, hindi!

Pasensya na kayo sa mga suhesyon namin ano po, masama ho talaga kasi ang landfill sa kalusugan ng mga tao lalo na kung malapit sa watershed, at pag nasipsip naman ng araw ang mga greenhouse effect nito ay lalo lang iinit ang panahon sa mundo!

At tulungan nyo na din po kami sa paglilinis ng mga ilog natin, alam po namin na may mga pondo ang mga pulitikong naka-upo ngayon para sa environment o sa panga-ngalaga sa kalikasan, kung tutulong po kayo sa amin, natulungan nyo na din po ang inyong mga sisibol pang lahi, sila ang makikinabang dito!

Isulong na din po natin na gumamit na din tayo ng mga windmill, napakalawak ng ating Sierra Madre, huwag na po Nuclear, di din yun makakatulong sa ating kalikasan, bagkus sisira pa!

Gagamitin din po natin ang "Executive Order ng ating Pangulo" para naman mabawi nyo din po ang inyong itutulong para sa ating kalikasan!

Ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay lubos na nagpapasalamat sa ating Pangulo sa pag-gawa niya ng Executive Order na ito, dito mapatutunayan kung sino talaga ang mga legal at nararapat tulungan ng ating mga "Pulitiko", at ipinagkakapuri din namin na isa ang aming "Foundation" na kumikilos na sa tulong ng DSWD dahil kami ay kasapi na din (accredited) ng grupong tunay na naglilingkod at nagmamahal sa ating bayan maging sa ating kalikasan!

Sana po ay naiintindihan nyo kami, ang mga dapat nating iwasan at palitan na ng mga organiko ay ang chemical fertilizers, pesticides, mga kemikal na sumisira ng kalikasan at kalusugan, lagi nating babantayan ang mga punong-kahoy, at linisin na ang mga ilog at panatilihing laging malinis, makitulong sa pag-aayos ng mga basura natin, at tignan nyo, mapipigil pa din natin ang pag-init ng panahon sa mundo!

Marami pong salamat at sana'y maunawaan ng ating mga kababayan ang mga nilalaman at nilalayon ng artikulong ito, mabuhay po kayo!!!!!!!!

Jaime Leandro Flores Reyes

Note: The reading of this article can be viewed at http://youtube.com/founderjimrey, look for GSGWFI (Paano pipigilan ang pag-init ng panahon sa mundo) Philippines!

Thank you,

GSGWFI



Klik lang po ang link sa itaas kung nais makita ang iba namin ginawang balita noong mga nakaraang araw!